Balagtasan


Balagtasan is Filipino form of debate done in verse. The term is derived from the surname of Francisco Balagtas.

History

The first balagtasan took place on April 6, 1924 at the Instituto de Mujeres in Tondo, Manila. The event was held at the Instituto de Mujeres as part of the celebration of Francisco Balagtas' birth anniversary. The two protagonists of the poetic debate were poets José Corazón de Jesús and Floranto Collantes. The verbal joust became popular among both the masses, intellectuals and the debutantes. This led to the adaptation of similar literary forms such as the bukanegan by the Ilocanos named after the father of Iloko literature, Pedro Bukaneg. Filipino poets in Spanish language, specifically Jesus Balmori and Manuel Bernabe, also engaged in balagtasan competitions, and their poetic jousts featured and immortalized in the book with the title Balagtasan: Justa Poetica, with a prologue written by Teodoro Kalaw. Balagtasan saw a significant decline after the death of de Jesus in 1932.

Format

Balagtasan is participated by two or more protagonists who engaged in a debate on a selected subject. Each protagonist are to express their views in verse and with rhyming. Refutations shall also be done in the same manner. A judge, known as the lakandiwa if male or lakambini if female, will decide the winner of the balagtasan. The judge shall also announce the winner in verse and with rhyming. The participants are also expected to impress before a watching audience.

Example of balagtasan

Alin ang Higit na Mahalaga, Wikang Filipino o Wikang English? Isang Balagtasan ni Gng. Resy A. Felipe


Lakandiwa:
Minamahal naming mga kamag-aral
Mga magulang, mga guro at prinsipal
Mga panauhing pinagpipitaganan
Naririto ngayon sa’ting paaralan.
Magandang umaga po, ang bating marangal
Ang Buwan ng Wika ating ipagdiwang
Ikalimang baitang ang amin pong alay
Ipagmamalaki, isang balagtasan.
Wikang Filipino ay sariling wika
At ang wikang English ay wikang banyaga
Kapwa ginagamit ng may pang-unawa
Higit na mahalaga, alin na nga kaya?
Sa umaga pong ito, aking ipinakikilala
Dalawang mahusay, maganda at batikang makata
Sa pangangatuwiran, hahanga ka sa kanila
Masigabong palakpakan pasalubungan natin sila.
Sa wikang Filipino ang mangangatuwiran
Si Bb. Irish ng Grade V- Emerald
At sa wikang English ang makakalaban
Bb. Lariza ng Grade V- Section one.
Wikang Filipino:
Ako ay isang batang kay Manuel Quezon nagpupuri
Naniniwalang, Wikang Filipino ang minimithi
Lahat ng hangarin ng mga damdaming sumisidhi.
Sa puso at diwa, ako’y Pilipino
Mgandang Pilipinas ito ang bayan ko
May sariling wika, wikang Filipino
Wikang ginagamit sa Luzon, Vizayas at Mindanao
Kayat kilalang lahat ginagamit araw araw
Kahit san ka magpunta siya'y magsisilbing tanglaw.
Wikang Filipino'y marapat na maging wikang panglahat.
Wikang Ingles:
Dahan-dahan sa pagsalita katunggaling maganda
Sapagkat nasasaktan mo mga taong maralita
Alam nating itong English, isang wikang pandaigdig
Sa lahat ng pag-aaral pangunahing ginagamit
Ang mga asignaturang Science, English at Mathematics
Paano mo ililiwat, di malirip, di maisip.
Ang bagong alpabeto hindi mo ba napapansin
Ang dating A B K D ngayon ay A B C D na
May computer, may internet, Facebook at may Google plus pa
Sa wikang Ingles, tuwid na landas ang magiging daan.
Wikang Filipino:
Nagkamali ka sa iyong paniwala katunggali ko
Alam nating sa’ting mundo marami ng pagbabago
Makabagong teknolohiya patuloy sa pag-asenso
Mentalidad na kolonyal dayuhan ang pasimuno
Ngunit naghihirap pa rin ang maraming Pilipino.
Ang sariling wika natin ay ang Wikang Filipino
Upang magkakaintindihan lahat ng Pilipino.
Wikang Ingles ay hindi ko naman minamaliit
Ngunit wikang Filipino ang kinagisnan minana pa sa ninuno
Nararapat alagaan, itaguyod nang lumago
Filipino ang nararapat na maging wikang panlahat
Sa kalakalan, sa paaralan at maging sa simbahan
Kahit sa pagbabalita, hindi mo ba nakikita
Kapag Filipino ang gamit hindi ka matutunganga.
Tuwid na landas, handog ng Wikang Filipino
Gamit ng mga guro bilang kanilang wikang panturo
Sa simbahan man upang sa wastong aral ay matuto
Sa pamahalaan upang batas ay mabubuo.
Wikang Ingles:
Paano magiging panlahat ang wikang Filipino
Kung ang tao ay
gumagamit ng mga dayalekto
Lumibot ka sa ‘ting pitong libo’t isang daang pulo
Mapapatunayan mo na sinasabi ko’y totoo.
Sa paaralan, guro nga’y nagturo ng Filipino
Ngunit isinasalin pa rin sa mga dayalekto.
Sa paggawa ng batas, di ba Ingles din katuto ko?
Di mo masasalin ang Konstitusyon sa Filipino.
Sa simbahan, gamit ng pari ay dayalekto
Dahil kung hindi, mga tao ay tutunganga rito
Kaya wikang ingles, wikang panlahat ng mga tao
Daan sa matuwid na landas ng mga Pilipino.
Sapagkat itong English isang wikang unibersal
Wikang ating ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan
Upang itong mga bansa ay magkaunawaan.
Wikang Filipino:
Sa mahal kong katunggali na kapwa ko Pilipino
Huwag nating kalimutan, dapat nating isapuso
Itong wikang kinagisnan, ang Wikang Filipino
Gamitin nating sandigan sa pag-unlad, pag-asenso.
Wikang Ingles:
Hindi ko nalilimot na ako ay Pilipino
Mahalaga rin ang English at ‘yan ay nababatid mo
Lalo na kung may balak kang sa ibang bansa ay magtungo
Ang pandaigdig na wika, dapat pag-aralan mo.
Lakandiwa:
Tama na, sukat na, mahuhusay na makata
Ang pagtatalo n’yo ay h’wag nang palawigin pa
Sa madlang nanonood kayo na po ang magpasiya
Alin ang mas mahalaga, sariling wika o wikang banyaga?
Upang tayo’y magkaisa sa puso't diwa.
Kahit anong piniling wika kapwa ay mahalaga
Maging Filipino man ang gammit o wikang ingles.
Ito'y gamit sa kaunlaran ng ating bayang sinisinta.
Kaming tatlo'y naririt, sa inyo'y nagpapasalamat
Mahal naming kamag-aral, mga guro at magulang
Taos pusong bumabati, maligayang pagdiriwang
Ang hiling po namin, masigabong palakpakan.